Ang love story ni Lando Part 1
Nagsimula ang love story ni Lando nang siya ay bata pa. Bata na walang ka alam alam kung anu ba ang pagibig. Unang nagmahal si Lando ay nung siya ay bata pa grade school to be exact, di niya alam kung pagmamahal ba to o simpleng crush dahil ngayon pa lang kase niya to naramdaman. Ang babae na eto ay nagngangalang Rubi. Ma charisma, maganda at magaling sumayaw maski nung bata pa. Di niya alam kung bakit pero gustong gusto niyang inaasar siya nang mga kaklasmeyt niya kay Rubi. Uso kase ang loveteam nung grade school at swerte si Rubi ang naging ka loveteam ni Lando. Kinikilig siya pag kasama niya si Rubi di niya alam kung bakit pero gusto niya si Rubi. Hindi rin nagtagal ay naging sila rin ni Rubi pero bata pa sila di pa nila alam kung anu ba talaga etong nararamdaman kaya siguro di nila alam kung anu gagawin rito. Anu nga ba alam nila sa bagay na ganito nakikita lang naman nila to sa pelikula tska sa tv so ending wala ring napala si Lando crush lang pala niya si Rubi di pala niya to mahal.